Pumunta sa nilalaman

Vendrogno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Padron:Infobox Italian frazioneAng Vendrogno (Valvarronese: Vendrògn) ay isang dating comune (komuna o munisipalidad) sa Lalawigan ng Lecco, rehiyon ng Lombardia, hilagang Italya, na matatagpuan mga 60 kilometro (37 mi) sa hilaga ng Milan at mga 20 kilometro (12 mi) hilaga ng Lecco; bahagi na ito ng Bellano mula noong Enero 1, 2020.

Mapupuntahan ang lokasyon mula sa pangunahing lambak ng Valsassina, 4 km mula sa munisipyo ng Taceno, at ang Lawa ng Como, na 8 km ang layo ng munisipalidad ng Bellano.

Ang Vendrogno ay may dating hangganan sa mga sumusunod na munisipalidad: Bellano, Casargo, Dervio, Parlasco, Taceno, at Tremenico.

San Lorenzo ang pangalan ng simbahan sa sentro ng Vendrogno. Mayroong ilang iba pang mga simbahan na matatagpuan sa Vendrogno.

Mga monumento at tanawin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simbahan ng San Gregorio

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Itinayo noong Gitnang Kapanahunan ang simbahan ng San Gregorio Magno[1] ay inayos noong 1736.[2] Sentro ng isang parokya, naglalaman ito ng mga kagamitang itinayo noong ika-15 siglo.[2]

Ang eskudo de armas at ang bandila ng munisipalidad ng Vendrogno ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng Dekreto ng Pangulo ng Republika noong Marso 13, 1967.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. ↑ "Chiesa di S. Gregorio Magno - complesso, Via San Gregorio, 0 - Vendrogno (LC)". Architetture – Lombardia Beni Culturali. Nakuha noong 2021-04-08.
  2. 1 2 Padron:Cita.
  3. ↑ "Vendrogno". Archivio Centrale dello Stato. Nakuha noong 20 maggio 2023. {{cite web}}: Check date values in: |access-date= ()
[baguhin | baguhin ang wikitext]