Rosà
Rosà | |
|---|---|
| Comune di Rosà | |
Munisipyo ng Rosà sa Piazza della Serenissima | |
| Mga koordinado: 45°43′N 11°46′E / 45.717°N 11.767°E | |
| Bansa | Italya |
| Rehiyon | Veneto |
| Lalawigan | Vicenza (VI) |
| Mga frazione | Cusinati, San Pietro, Sant'Anna, Travettore |
| Pamahalaan | |
| • Mayor | Paolo Bordignon (Lega Nord) |
| Lawak | |
| • Kabuuan | 24.32 km2 (9.39 milya kuwadrado) |
| Taas | 97 m (318 tal) |
| Populasyon (2018-01-01)[2] | |
| • Kabuuan | 14,499 |
| • Kapal | 600/km2 (1,500/milya kuwadrado) |
| Tawag sa tagalugar | Rosatesi |
| Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
| • Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
| Kodigong Postal | 36027 |
| Kodigo sa pagpihit | 0424 |
| Kodigo ng ISTAT | 024087 |
| Santong Patron | Sant'Antonio Abate |
| Saint day | Enero 17 |
| Websayt | Opisyal na website |
Ang Rosà (Venetian: Rozà) ay isang bayan comune (komuna o munisipalidad) at bayan na may 14,328 naninirahan sa Lalawigan ng Vicenza, rehiyon ng Veneto, hilagang-silangang Italya. Ang pangalan ay nagmula sa salitang Latin na "roxata", ang sinaunang pangalan ng pinakamalaking daluyan ng irigasyon na dumaan sa lugar na iyon. Ang munisipalidad ay may kasamang 4 na nayon (Travettore, Sant'Anna, San Pietro, Cusinati). Ang Rosà ay opisyal na Bayan ng Sport sa Europa noong 2011.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Sa nayon ng San Pietro, may natagpuang abo ng mga Romano kaya maaari nating ipagpalagay na mayroong isang nayon ng mga Romano sa lugar na ito. Noong Panahon ng Migrasyon, ang rehiyon ay sinakop ng mga Quadi, Marcomanni, Sarmata, Alemanni, Visigodo, Suebo, Alano, Unni, Lombardo, Franco, at mga Unggaro. Ang bayan ng Rosà ay opisyal na isinilang noong 1533 sa panahon ng pamamahala ng Republika ng Venecia. Pagkatapos ng pagsalakay ni Napoleon, ang buong rehiyon ay ibinenta sa Austria-Unggriya (kasama ang kalapit na Lombardia upang bumuo ng Kahariang Lombardo–Veneto) kung saan nanatili ito hanggang 1866 nang sa Ikatlong Digmaang Pangkalayaan ng Italya ay naging bahagi ito ng Italya. Napakalapit ni Rosà sa larangan noong Unang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Rosà ay naging bahagi ng Republikang Italyano.
Mga subdibisyong administratibo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang munisipal na batas ng Rosà, ay kinikilala ang Sant'Anna, Travettore, Cusinati at San Pietro bilang mga frazione. Tulad ng Siena, ang Rosà ay nahahati pa sa mga quartieri ayon sa kasaysayan.
Mga frazione
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Travettore
- Sant'Anna
- Cusinati
- San Pietro
Ugnayang pandaigdig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Rosà ay kakambal sa:
- Schallstadt ,
Alemanya, mula noong 1991 - La Crau ,
Pransiya, mula noong 2006
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
- ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
